Monday, March 31, 2008

ang kapitbahay ko at ang maraming isyung sinagot nya sa utak ko

Bata pa ako hindi ko na maipaliwanag kung bakit gandang ganda ako sa kapitbahay kong ito. Sa araw araw na nakikita ko sya siguro dapat nagsawa na ako sa kanya. Pero umalis na ako sa lugar namin at lahat, kapag pauwi ako ay sya parin ang hahanap hanapin ko sa pagtuntong pa lang ng bus sa unang pagkakataogng makikita ko sya.

Sya ang unang subject ko noong una akong gumawa ng essay. Naalala ko VERY GOOD ang sabi ng review teacher namin (kasama kasi ako doon sa mga bata na pinag re-review every weekend dahil sinasamantala ng mga magulang na nakikitaan pa nila ng libog ang anak nila sa pag-aaral. Kami yung mga batang kahit summer nag-aaral.. walang pahinga sa kakasagot ng mga bwakanang&%^(&*(^*%^ na abstract reasoning exam. Pero nagulat pa rin sila nung nakapasa ako ng UP. Ayus! ). Hanggang ngayon ay nakatago ang unang essay ko na yun.. kasama ng maraming hindi mapalayang clutter sa buhay. Nasa ilalim ng kama sa probinsya, nakasilid sa isang malaking pulang maleta. Simple ko lang syang pinakilala. Noon..

Nakita ko uli sya, mga 3 linggo pa lang ang nakakaraan. Tumanda na rin. Pero wala paring tatalo (sa alaska..este..) sa ganda nya.




Kapitbahay ko lang si Mayon. Nakita ko na sya kanyang magaganda at kahit sa kanyang pinakamasungit na mga araw, pero hinding hindi ako nagsawang hangaan sya. Maraming binubuhay si Mayon sa aming probinsya. Pero sa paglipas ng panahon, siguro dahil menopausal na rin sya, malimit na rin syang masungit. Pinakamsungit sya noong nakaraang taon, nang halos lahat na ng inipon nyang sama ng loob ay ibinuhos nya na naging dahil ng pagbaha ng malalaking bato at buhangin nung dumating ang bagyo.

Nung tinititigan ko sya pag uwi ko noong holy week naisip ko.. si Mayon, dahil active sya, naidadaos nya ang galit nya.. parang ang Pinas ngayon, kahit matinding matindi na ang krisis, may social volcano sya na singawan ng galit at paghihihrap nya.. ofws. Kapag hirap na, wala nang makitang matinong trabaho, o kahit may trabaho ka pero dahil hindi na sasapat ang sahod, lalabas ka na lang ng bansa.

Naalala ko lahat nang to dahil sa speech ni Gloria kahapon sa Hongkong. Ang hitad nagbubunganga doon na maganda ang ekonomiya sa ngayon at may programa daw ang gobyerno para hindi maapektuhan ng "paglakas" ng piso ang kinikitang dolyang ng mga OFW.

Eh akala ko ba dapat masaya tayo na malakas ang piso?!!

Ang bwakanang@#$#$%^%^&%&E%^! Pinaglololoko tayo ng babaitang ito!

Dadating daw ang araw na ang paglabas ng bansa ay "just another career option". Hindi mangyayari ito.. Hindi nya hahayaang mangyari ito..dahil alam nya na kapag nangyari ito..



Ang saya...





1 comment:

getsba said...

ang tyanak binuga ng bulkan!