(si nonoy ay isang kaibigang artista, manunula at higt sa lahat ay halimaw sa gitara.. may notebook ako ng mga tula na walang walang nakakabasa.. minsan nang magsususlat uli ako, napansin kong may ibang sula kamay. nabasa nya at wag ka.. eto ang review nya..)
Paano mo ba sinusulat ang mga
Na walang mga pangalan?
Paano mo tinitignan ang mga bagay-bagay
Kung negatibo o positibo ang kinalabasan?
Paumanhin at pasintabi
Ang iyong mga
Pero kulang ang mga salita
Kulang ang mga kataga’t talinhaga
Para isalarawan kung ano ba talaga ang nararamdaman
Pero matiyaga ka paring nagsusulat
Pilit na hinahanap ang mga salitang
Nababagay para sa inyong dalawa
Huwag sanang damdamin
Ang mga salitang nais kong sabihin
Kung gusto mong makita
Ang mga salitang bagay sa inyong dalawa
Huwag kang tumingala
O kaya’y tumitig sa lupa
Bigyan ng mga pangalan ang iyong mga salita
Na bigyang pangalan ang mga salita
O katagang nararamdaman
Gumuguhit lang ito sa aking pagkatao
Malimit hindi maintindihan
Malimit, kibitbalikat na tinitingnan
Edit
Edit
Hanggat wala nang pangalan
Hindi ata kasi mahalagang
Matukoy sa isang sambitan
Kung ano ang babagay na pangalan
Sa katagang nararamdaman
Malimit
Sa gitna ng kibit balikat at pagtitig
Nakikilala mo ang mga kataga
Hindi kailangang pangalanan
Sapagkat lagi rin naman itong
lumilisan
No comments:
Post a Comment