Monday, March 31, 2008

ang kapitbahay ko at ang maraming isyung sinagot nya sa utak ko

Bata pa ako hindi ko na maipaliwanag kung bakit gandang ganda ako sa kapitbahay kong ito. Sa araw araw na nakikita ko sya siguro dapat nagsawa na ako sa kanya. Pero umalis na ako sa lugar namin at lahat, kapag pauwi ako ay sya parin ang hahanap hanapin ko sa pagtuntong pa lang ng bus sa unang pagkakataogng makikita ko sya.

Sya ang unang subject ko noong una akong gumawa ng essay. Naalala ko VERY GOOD ang sabi ng review teacher namin (kasama kasi ako doon sa mga bata na pinag re-review every weekend dahil sinasamantala ng mga magulang na nakikitaan pa nila ng libog ang anak nila sa pag-aaral. Kami yung mga batang kahit summer nag-aaral.. walang pahinga sa kakasagot ng mga bwakanang&%^(&*(^*%^ na abstract reasoning exam. Pero nagulat pa rin sila nung nakapasa ako ng UP. Ayus! ). Hanggang ngayon ay nakatago ang unang essay ko na yun.. kasama ng maraming hindi mapalayang clutter sa buhay. Nasa ilalim ng kama sa probinsya, nakasilid sa isang malaking pulang maleta. Simple ko lang syang pinakilala. Noon..

Nakita ko uli sya, mga 3 linggo pa lang ang nakakaraan. Tumanda na rin. Pero wala paring tatalo (sa alaska..este..) sa ganda nya.




Kapitbahay ko lang si Mayon. Nakita ko na sya kanyang magaganda at kahit sa kanyang pinakamasungit na mga araw, pero hinding hindi ako nagsawang hangaan sya. Maraming binubuhay si Mayon sa aming probinsya. Pero sa paglipas ng panahon, siguro dahil menopausal na rin sya, malimit na rin syang masungit. Pinakamsungit sya noong nakaraang taon, nang halos lahat na ng inipon nyang sama ng loob ay ibinuhos nya na naging dahil ng pagbaha ng malalaking bato at buhangin nung dumating ang bagyo.

Nung tinititigan ko sya pag uwi ko noong holy week naisip ko.. si Mayon, dahil active sya, naidadaos nya ang galit nya.. parang ang Pinas ngayon, kahit matinding matindi na ang krisis, may social volcano sya na singawan ng galit at paghihihrap nya.. ofws. Kapag hirap na, wala nang makitang matinong trabaho, o kahit may trabaho ka pero dahil hindi na sasapat ang sahod, lalabas ka na lang ng bansa.

Naalala ko lahat nang to dahil sa speech ni Gloria kahapon sa Hongkong. Ang hitad nagbubunganga doon na maganda ang ekonomiya sa ngayon at may programa daw ang gobyerno para hindi maapektuhan ng "paglakas" ng piso ang kinikitang dolyang ng mga OFW.

Eh akala ko ba dapat masaya tayo na malakas ang piso?!!

Ang bwakanang@#$#$%^%^&%&E%^! Pinaglololoko tayo ng babaitang ito!

Dadating daw ang araw na ang paglabas ng bansa ay "just another career option". Hindi mangyayari ito.. Hindi nya hahayaang mangyari ito..dahil alam nya na kapag nangyari ito..



Ang saya...





Tuesday, March 11, 2008

pano nga ba?



(si nonoy ay isang kaibigang artista, manunula at higt sa lahat ay halimaw sa gitara.. may notebook ako ng mga tula na walang walang nakakabasa.. minsan nang magsususlat uli ako, napansin kong may ibang sula kamay. nabasa nya at wag ka.. eto ang review nya..)

Paano mo ba sinusulat ang mga tula
Na walang mga pangalan?
Paano mo tinitignan ang mga bagay-bagay
Kung negatibo o positibo ang kinalabasan?
Paumanhin at pasintabi
Ang iyong mga tula ay punong puno ng damdamin
Pero kulang ang mga salita
Kulang ang mga kataga’t talinhaga
Para isalarawan kung ano ba talaga ang nararamdaman

Pero matiyaga ka paring nagsusulat
Pilit na hinahanap ang mga salitang
Nababagay para sa inyong dalawa

Huwag sanang damdamin
Ang mga salitang nais kong sabihin

Kung gusto mong makita
Ang mga salitang bagay sa inyong dalawa
Huwag kang tumingala
O kaya’y tumitig sa lupa
Bigyan ng mga pangalan ang iyong mga salita


(ito naman ang sagot ko.. naging rengga na tuloy, asan na kaya si gagu?)

Hindi kailanman nasubukan
Na bigyang pangalan ang mga salita
O katagang nararamdaman
Gumuguhit lang ito sa aking pagkatao
Malimit hindi maintindihan
Malimit, kibitbalikat na tinitingnan
Edit
Edit
Hanggat wala nang pangalan
Hindi ata kasi mahalagang
Matukoy sa isang sambitan
Kung ano ang babagay na pangalan
Sa katagang nararamdaman
Malimit
Sa gitna ng kibit balikat at pagtitig
Nakikilala mo ang mga kataga
Hindi kailangang pangalanan
Sapagkat lagi rin naman itong
lumilisan


Wednesday, March 5, 2008
























WENA

ilang taon na nga ba?
ilang galon na kaya ng pintura ang naibuhos natin
sa ating mga kamay?
tshirt, pantalon?
ilang kaha narin ng yosi ang itinanda mo sa akin
tumigil ako, bumalik
habang patuloy ka parin

naimarka na natin ang ating pagkatao
sa hagdanan ng library
nung gabing nasipat tayo ng guwardiya
na sa dingding na nagpipintura
hindi na tayo nagkasya sa pira-pirasong katsa at karton
hindi na doon kasya ang ating mga imahenasyon

gumapang na ito sa maraming utak na ating nadapuan
napaliwanagan
gumapang sa mga mata habang nakatitig sa ating mga obra
habang natatawa o naluha sa mga itinanghal
paulit ulit na nating naiguhit
ang mensahe ng ating mga likha

naimarka natin ang ating pagkatao sa mga lansangan
recto, espana, morayta
mendiola
ilang tsinelas naba ang nawala mo dito?
naging poster pa nga ang isang picture mo

taas kamao
habang bugbog ng tubig ang mga sigaw mo

tumanda na rin tayo
kakapinta
minsan iba-ibang kulay..halo halo
pero basic parin
dilaw
bughaw
pula

ganun pa rin

pero pula ang pinaka paborito natin
higit na makulay kesa iba
higit na matapang at tumatagal

pula

sa pantalon, tshirt at kamay
sa isip salita at sa gawa

pula

kapag ito'y natupad
lahat ng kulay susunod na