Wednesday, September 3, 2008

Help for Marfred Waddell




Marfred is 34 years old. He is a stage actor, mover and choreographer. Since being exposed to the maximization of the arts to reach out to people for collective cultural actions, Marfred has been a fulltime volunteer organizer and facilitator for SINAGBAYAN advocacy and campaigns. He served as Founding Chairperson from 2004-2006 and the Committee Head for Campaigns from 2006-present.

After the Free Summer Arts Workshop and the dance-drama performance for the commemoration of International Labor Day in May, he was twice confined at PGH, being diagnosed with TB of the Lymphnodes and Immunocompromised State.

Urgently, we need Php30,000.00 for his current hospitalization. Aside from this his monthly maintenance amounts to Php10,000.

Because of the nature of his illness, his needed medicine changes per week or month. For the moment, you may donate: Gatorade Energy Drink, Centrum Multivitamins, Vitamin B1 Complex, Isoniazid 300MG, Rimactane 300MG, Pyrazinamide 500MG, Ethambutol Hydrochloride 400MG and Cotrimoxazole 800/160MG.

You can donate through his sister’s Banco De Oro account (SM Sta. Mesa branch) – Maria Penelope Cecilio (300775407).

We would appreciate whatever amount and material you may share and help Marfred gain strength and continuously serve the marginalized sector through the arts.

Wednesday, June 11, 2008

PEOPLE LIKE US: An Open Letter of a Transgender Woman in the Philippines

(stumbled upon this.. SALUDO!)

No one can make you feel inferior without your consent.
Eleanor Roosevelt

My friends and I have been made to feel inferior approximately five
hours before I wrote this letter. I'd like to sweep this incident
under the proverbial rug but there is no more space to accommodate it.

On
the 24th of May 2008, my friends and I were celebrating the
anniversary of our organization the Society of Transsexual Women of
the Philippines (STRAP), the first transsexual women's support group
and transgender rights advocacy organization in the
Philippines. We
settled to celebrate it in Ice Vodka Bar, located in
Greenbelt 3, 3rd
level
Ayala Center, Makati City, Metro Manila. It was my first time in
that bar. Two in our group have been there before and they had nothing
bad to say about it.

There were five of us. I was leading the way. The bouncer stopped us.
I asked why. His reason was we were dressed "inappropriately" . We were
rather dressed decently, tastefully, and most importantly just like
any other human being who lives her life as female 24 hours a day.

I asked for the manager. The bouncer was nice enough to let me in. The
manager, Ms Belle Castro, accommodated me. I don't know if I spelled
her name right. I asked for a business card but she had none
available. Her telling feature though was her braced teeth.

I complained. Ms Castro listened to me. I found her sympathetic, even
respectful as she addressed me all throughout as ma'am. She told me
the following:

1. (Referring to my friends, and obviously to me) That "people like
them" aren't allowed in our bar every Fridays & Saturdays;

2. That that was an agreement between all the bars in
Greenbelt
(she particularly mentioned their bar, Absinthe, and Café Havana) and
Ayala Corporation, the company which owns the Greenbelt Complex;

3. That the reason for this policy is: "Marami kasing foreigner na
nag-kocomplain at napepeke daw sila sa mga katulad nila." Loosely
translated in English: "There are lots of foreigners complaining
because they mistake people like them as real women"; and

4. That they have a "choice" to implement the policy.

I felt terribly hurt and uncontrollably agitated. This transphobic act
is not the first time that it happened to me, to my friends, to people
like us. To say that this has become almost a routine is an
understatement.

I have shouted at Ms Castro several times, asking her why I'm f***ing
experiencing racism in my own country and what gave f***ing foreigners
the right to demand to block people like us to enter bars in our very
own country.

Ms Castro tried to hush me by pulling the "It's our choice card" and
asked me to talk decently. I am not proud at all of using the F-word
as my intensifier and of letting my emotions ran raw and wild. My warm
apologies to Ms Castro for losing my cool. Just like any of us, I
know, she was just doing her job.

This may not be the proper forum to raise this concern. But is there
any reliable legal forum to address this issue? Reality check: there
is no antidiscrimination law in this country. And if you're
discriminated, there seems to be a notion that you're supposed to
blame yourself for bringing such an unfortunate event to yourself.

So, I'd just stand up through this open letter.

I am standing for myself. I am standing for people like us. I am
standing up because I, am, very, tired of this incivility. We have
long endured this kind of treatment for far too long. Enough.

I'll not go as far as campaigning for a boycott as it is definitely
the simple workers that would suffer from any loss in revenue such an
act may cause.
People like us would like to be treated just like any other human
being. Just like those foreigners who complained about our existence:
With dignity.

You know the civilized and ethical thing to do: Stop discrimination in
your establishments.

Bigotry is never ethical nor a sound business strategy.


Warmly

Ms Sass Rogando Sasot
25 May 2008
Sunday
6.04 am - 6.45 am

http://www.tsphilip pines.com/

Monday, April 14, 2008

Para sa mga Babae ng Lumang Bahay sa Callejon 2


si aning.. matagal ko nang gustong gawan ng short film.. parang salitan lang ng mga kwentuhan at isyu ng mga tao sa araw araw. Maganda kasi ang mga pwedeng eksena at nakapabilog ang mga kwarto at harap sa isa't isa. Maganda kunan ang pagbukas ng mga kwarto, pagsasalamuha ng mga tao at ang ang araw araw ding pagsara ng mga pintuan bilang pagtatapos ng mga araw. Ang mga pakete ng kanilang yosi (ubo..ubo..ubo!), ang kalat na araw araw ay kaagaw ng natural na nyang ganda. At ang ilaw.. sabi nga "light enhances art".. at sa pagdating ng dapithapon, dun mo sya higit na makikilala.



Mali pala ang ating akala
na ang dingding
na gabi-gabing nakikinig sa atin
ang iipon sa ating mga kwento
Kilala rin tayo ng mga papel at lapis
na paulit ulit nating binabalikan
kapag hindi na natin maintindihan ang ating sarili
Kelangan isulat
Kelangan itala
Kelangan masala ang mga naiisip
Kung tama man o mali
Kung dapat ba o hindi

Mas kilala natin ang ating sarili
sa mga katagang iniaalay sa papel
Mas nauunawaan kung bakit lagi't lagi
kelangang magsalubong ng kilay
para bang magtatagaan
Na agad namang naaawat ng malulutong na halakhak
sa maliliit at simpleng bagay
At kung bakit sa paulit ulit na pagkakatao
Tayo ay umiibig
Makulit! Mapanlinlang subalit masidhi!
Halos hindi makahinga
Sa mga emosyong sa utak nabubuo at sa puso'y bumabara

Higit na nabibigyan natin ng kataga ang mga patlang
Sa harap ng grande at isang pakete ng yosi
Isang stick sa bawat kabanata ng buhay
Habang sumasayaw sa lamig ng gabi ang mga kanta
At umiiyak na nagsasalaysay ang kamay sa gitara

Mas nakikilala natin ang ating sarili sa isang araw na nakatulala
Sa mga anino ng dahon sa puno ng mangga
Hinihipan ng saliw ng hangin sa dapithapon
Tila bumubulong ang hanging alipin na ng mga pangarap ng panahon
At ang wika...
Mat katuparan ang mga pangarap

Ang dingding at mga papel ang makapagsasabi
Saksi sila sa pagpanday at paghubog sa atin
ng mga halakhak at luha
Hanggang sa tayo'y umabot sa huling yugto
At tahakin na ang landas na magkakahiwalay
Magpapasalamat tayo sa mga taon
Sa mga kaibigang balon ng mga alaala
Ito ang maghahatid sa atin sa panahon
Kung saan tayo pinakamaganda.

Nov2404




Monday, March 31, 2008

ang kapitbahay ko at ang maraming isyung sinagot nya sa utak ko

Bata pa ako hindi ko na maipaliwanag kung bakit gandang ganda ako sa kapitbahay kong ito. Sa araw araw na nakikita ko sya siguro dapat nagsawa na ako sa kanya. Pero umalis na ako sa lugar namin at lahat, kapag pauwi ako ay sya parin ang hahanap hanapin ko sa pagtuntong pa lang ng bus sa unang pagkakataogng makikita ko sya.

Sya ang unang subject ko noong una akong gumawa ng essay. Naalala ko VERY GOOD ang sabi ng review teacher namin (kasama kasi ako doon sa mga bata na pinag re-review every weekend dahil sinasamantala ng mga magulang na nakikitaan pa nila ng libog ang anak nila sa pag-aaral. Kami yung mga batang kahit summer nag-aaral.. walang pahinga sa kakasagot ng mga bwakanang&%^(&*(^*%^ na abstract reasoning exam. Pero nagulat pa rin sila nung nakapasa ako ng UP. Ayus! ). Hanggang ngayon ay nakatago ang unang essay ko na yun.. kasama ng maraming hindi mapalayang clutter sa buhay. Nasa ilalim ng kama sa probinsya, nakasilid sa isang malaking pulang maleta. Simple ko lang syang pinakilala. Noon..

Nakita ko uli sya, mga 3 linggo pa lang ang nakakaraan. Tumanda na rin. Pero wala paring tatalo (sa alaska..este..) sa ganda nya.




Kapitbahay ko lang si Mayon. Nakita ko na sya kanyang magaganda at kahit sa kanyang pinakamasungit na mga araw, pero hinding hindi ako nagsawang hangaan sya. Maraming binubuhay si Mayon sa aming probinsya. Pero sa paglipas ng panahon, siguro dahil menopausal na rin sya, malimit na rin syang masungit. Pinakamsungit sya noong nakaraang taon, nang halos lahat na ng inipon nyang sama ng loob ay ibinuhos nya na naging dahil ng pagbaha ng malalaking bato at buhangin nung dumating ang bagyo.

Nung tinititigan ko sya pag uwi ko noong holy week naisip ko.. si Mayon, dahil active sya, naidadaos nya ang galit nya.. parang ang Pinas ngayon, kahit matinding matindi na ang krisis, may social volcano sya na singawan ng galit at paghihihrap nya.. ofws. Kapag hirap na, wala nang makitang matinong trabaho, o kahit may trabaho ka pero dahil hindi na sasapat ang sahod, lalabas ka na lang ng bansa.

Naalala ko lahat nang to dahil sa speech ni Gloria kahapon sa Hongkong. Ang hitad nagbubunganga doon na maganda ang ekonomiya sa ngayon at may programa daw ang gobyerno para hindi maapektuhan ng "paglakas" ng piso ang kinikitang dolyang ng mga OFW.

Eh akala ko ba dapat masaya tayo na malakas ang piso?!!

Ang bwakanang@#$#$%^%^&%&E%^! Pinaglololoko tayo ng babaitang ito!

Dadating daw ang araw na ang paglabas ng bansa ay "just another career option". Hindi mangyayari ito.. Hindi nya hahayaang mangyari ito..dahil alam nya na kapag nangyari ito..



Ang saya...





Tuesday, March 11, 2008

pano nga ba?



(si nonoy ay isang kaibigang artista, manunula at higt sa lahat ay halimaw sa gitara.. may notebook ako ng mga tula na walang walang nakakabasa.. minsan nang magsususlat uli ako, napansin kong may ibang sula kamay. nabasa nya at wag ka.. eto ang review nya..)

Paano mo ba sinusulat ang mga tula
Na walang mga pangalan?
Paano mo tinitignan ang mga bagay-bagay
Kung negatibo o positibo ang kinalabasan?
Paumanhin at pasintabi
Ang iyong mga tula ay punong puno ng damdamin
Pero kulang ang mga salita
Kulang ang mga kataga’t talinhaga
Para isalarawan kung ano ba talaga ang nararamdaman

Pero matiyaga ka paring nagsusulat
Pilit na hinahanap ang mga salitang
Nababagay para sa inyong dalawa

Huwag sanang damdamin
Ang mga salitang nais kong sabihin

Kung gusto mong makita
Ang mga salitang bagay sa inyong dalawa
Huwag kang tumingala
O kaya’y tumitig sa lupa
Bigyan ng mga pangalan ang iyong mga salita


(ito naman ang sagot ko.. naging rengga na tuloy, asan na kaya si gagu?)

Hindi kailanman nasubukan
Na bigyang pangalan ang mga salita
O katagang nararamdaman
Gumuguhit lang ito sa aking pagkatao
Malimit hindi maintindihan
Malimit, kibitbalikat na tinitingnan
Edit
Edit
Hanggat wala nang pangalan
Hindi ata kasi mahalagang
Matukoy sa isang sambitan
Kung ano ang babagay na pangalan
Sa katagang nararamdaman
Malimit
Sa gitna ng kibit balikat at pagtitig
Nakikilala mo ang mga kataga
Hindi kailangang pangalanan
Sapagkat lagi rin naman itong
lumilisan


Wednesday, March 5, 2008
























WENA

ilang taon na nga ba?
ilang galon na kaya ng pintura ang naibuhos natin
sa ating mga kamay?
tshirt, pantalon?
ilang kaha narin ng yosi ang itinanda mo sa akin
tumigil ako, bumalik
habang patuloy ka parin

naimarka na natin ang ating pagkatao
sa hagdanan ng library
nung gabing nasipat tayo ng guwardiya
na sa dingding na nagpipintura
hindi na tayo nagkasya sa pira-pirasong katsa at karton
hindi na doon kasya ang ating mga imahenasyon

gumapang na ito sa maraming utak na ating nadapuan
napaliwanagan
gumapang sa mga mata habang nakatitig sa ating mga obra
habang natatawa o naluha sa mga itinanghal
paulit ulit na nating naiguhit
ang mensahe ng ating mga likha

naimarka natin ang ating pagkatao sa mga lansangan
recto, espana, morayta
mendiola
ilang tsinelas naba ang nawala mo dito?
naging poster pa nga ang isang picture mo

taas kamao
habang bugbog ng tubig ang mga sigaw mo

tumanda na rin tayo
kakapinta
minsan iba-ibang kulay..halo halo
pero basic parin
dilaw
bughaw
pula

ganun pa rin

pero pula ang pinaka paborito natin
higit na makulay kesa iba
higit na matapang at tumatagal

pula

sa pantalon, tshirt at kamay
sa isip salita at sa gawa

pula

kapag ito'y natupad
lahat ng kulay susunod na