
Friday, May 11, 2007
subukan mong lumipad
sa saliw ng hangin
habang sila’y nakatingala
sa bawat mong duyan
magtiwala ka
may pakpak ang pagnanasa
sumalungat ka
sa kinagisnang kapatagan
nang lubusan pa nating maunawaan
na kayang marating
ng pagkamulat ang buwan
na walang hangganan
ang pagtatanong
at tunggalian ng pag-iisip
na hindi masama
ang sumubok
sa di pa nakikilalang ihip
at hindi iisa ang sagot
sa paglalakbay
hindi palaging paglalakad
ang pamamaraan
ang pagbagsak ay dala lamang
ng pag-aalinlangan.
o isang paraan
para tingalain ang dati nang naabot
at higitan pa
hindi naman ito ang sasagabal
sa tuloy na pag usad
mabagal man at natitisod
nababali man ang pakpak
hindi kailnman tumitigil ang agila
sa kanyang mga pangarap
sa saliw ng hangin
habang sila’y nakatingala
sa bawat mong duyan
magtiwala ka
may pakpak ang pagnanasa
sumalungat ka
sa kinagisnang kapatagan
nang lubusan pa nating maunawaan
na kayang marating
ng pagkamulat ang buwan
na walang hangganan
ang pagtatanong
at tunggalian ng pag-iisip
na hindi masama
ang sumubok
sa di pa nakikilalang ihip
at hindi iisa ang sagot
sa paglalakbay
hindi palaging paglalakad
ang pamamaraan
ang pagbagsak ay dala lamang
ng pag-aalinlangan.
o isang paraan
para tingalain ang dati nang naabot
at higitan pa
hindi naman ito ang sasagabal
sa tuloy na pag usad
mabagal man at natitisod
nababali man ang pakpak
hindi kailnman tumitigil ang agila
sa kanyang mga pangarap
Wednesday, May 9, 2007
Tuesday, May 8, 2007
pangalawang araw nang umuulan.
may kasukob na ako dapat sa ganitong panahon
hindi ko na kailangang mag antay sa isang kanto para tumila lang ang pagpatak
may magdadala na ng payong lagi para ako'y sukuban.
pero wala sya.
sa unang mga patak ng ulan.
wala kung kelan nag aagaw na ang tag araw at tag ulan
kung kelan nalilito na ang panahon sa gusto nyang ibigay
init o lamig...
lagi kitang hinahanap mahal ko
kay tagal ng bawat araw na hindi ko hawak ang kamay mo
ginawa mong posibleng umulan ng luha ang araw
ginawa mong posibleng malamig ang mga gabi
ng napakahabang tag araw
balon ang hinagpis na hindi nasasaid
bumalik ka na
ayoko nang makipaglaro sa hangin mong alala
gusto na kitang hawakan.. yapusin at hagkan.
hindi maaring isang beses lang
hindi na rin papayag na panakaw lamang
kung sasapat
gusto ko paulit ulit
araw araw
maiparamdam ko sayo na ikaw lang
ikaw lang
mahal ko
at araw araw, anuman ang ibigay ng langit
init man o luha ng hapis na sumasabay sa iyong pagkawala
at sa kinukumos kong dibdib
araw araw kitang hihintayin
at iibigin
ng iibigin
ng iibigin..
may kasukob na ako dapat sa ganitong panahon
hindi ko na kailangang mag antay sa isang kanto para tumila lang ang pagpatak
may magdadala na ng payong lagi para ako'y sukuban.
pero wala sya.
sa unang mga patak ng ulan.
wala kung kelan nag aagaw na ang tag araw at tag ulan
kung kelan nalilito na ang panahon sa gusto nyang ibigay
init o lamig...
lagi kitang hinahanap mahal ko
kay tagal ng bawat araw na hindi ko hawak ang kamay mo
ginawa mong posibleng umulan ng luha ang araw
ginawa mong posibleng malamig ang mga gabi
ng napakahabang tag araw
balon ang hinagpis na hindi nasasaid
bumalik ka na
ayoko nang makipaglaro sa hangin mong alala
gusto na kitang hawakan.. yapusin at hagkan.
hindi maaring isang beses lang
hindi na rin papayag na panakaw lamang
kung sasapat
gusto ko paulit ulit
araw araw
maiparamdam ko sayo na ikaw lang
ikaw lang
mahal ko
at araw araw, anuman ang ibigay ng langit
init man o luha ng hapis na sumasabay sa iyong pagkawala
at sa kinukumos kong dibdib
araw araw kitang hihintayin
at iibigin
ng iibigin
ng iibigin..
Tuesday, April 24, 2007
kasing linaw ng blankong pader
o ng bagong biling tubig
habang nawawala sa madilim na kalsada
sa dayuhang lugar
maihahalintulad ang lahat
ng karanasang dulot mo
bagong mukha
bagong kalsada na malimit
salisi at nawawala
subalit hatid lagi ay ngiti
isipin lang na ang dulo ng bali-balikong daan
ay ikaw
bagong mga lasa
kalagitnaan ng tamis at pait
asim at pakla
gaya ng paulit ulit na kanta
habang nagsusulat..
walang humpay kong babagtasin
babalikan
at uulit-ulitin
ang maraming alaala
na naipaskil mo sa aking utak
dahil ang blankong pader
at walang sulat na papel
ay puno na ng guhit
na kahit saan sundan
ay tutungo lang
sayo.
Sunday, April 15, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)


