Saturday, November 22, 2008

ANG MGA LORENA

SYNOPSIS


How do lovers of the martyred turn their grief to songs for justice? Where do parents of the disappeared find strength as everyday they painstakingly wait and search? What hope can people hold as they are bombarded by a seemingly structural crisis after crisis? And where are the youth who will vibrantly stand and optimistically rock our world?



Ang Mga Lorena is a story of revelation, a journey of unconditional sacrifice yet worth the dawning of a culture that unites the aggrieved and powerless. It is a Documentary Play based on testimonies of families, friends, lovers, journalists and the common tao as among those who came to know them, Lorenas of our time.

As SINAGBAYAN's contribution to the UP Centennial Foundation commemoration and the 60th Anniversary of the International Declaration to the Respect to Human Rights, it is a tribute to women leaders of the premier university such as Sherlyn Cadapan, Karen Empeño and poet-beloved martyr Ma. Lorena Barros.

Lorena Barros is an AB Anthropology Magna Cum Laude UP student and instructor who stepped up in the 70s and became one of leading icons for women empowerment, people's poetry and collective action for development. Sherlyn Cadapan is a tri-athlete and sprint champion who also served as College Representative of the College of Human Kinetics. Karen Empeño on the other hand is a musician and was working on her thesis for her Sociology course, a research on the songs of the peasantry which led her to Central Luzon being the rice basket of the country and home of many originally composed songs of the peasantry. Barros died in 1976 while fighting for the people's cause. Cadapan and Empeño were reported missing since 2006.

The Lorenas share their simple lives, laughter and tears through songs, poems, dances and monologues from secret detention cells, burning chambers and monumental graves where they were last found. In the tradition of dramatists/writers Bertolt Brech and Agusto Boal, the play then brings the challenge to the audience to fulfill the call of the University’s Oblation, a symbol of freedom and relentless service to the people, where Rizal's message can also be found: Nasaan ang mga kabataang mag-aalay ng kanilang kasibulang buhay, ng kanilang adhikain at sagisag sa kabutihan ng bansa?

* Ang Mga Lorena will be staged on Dec 9 (10am) and Dec 11 (2pm and 7pm)

For ticket reservations contact 0920.7216759

Monday, September 15, 2008

mahal ko ang eheads... pero tama si john lennon :-)

Minsan, Eraserheads
posted 06-Sep-2008
in * Kultura

Kenneth Roland A. Guda

NAPANAGINIPAN ko sila noong nakaraang linggo. Hindi ko alam kung bakit.
Sa panaginip, pumasok ako sa isang lumang bahay na gawa sa kahoy. Kulay orange ang ilaw.Nadatnan ko sa unang palapag si Ely Buendia. Sa ikalawa, si Buddy Zabala. Sa
panghuling palapag, nakatanguan si Raimund Marasigan. Hindi ko maintindihan –
hindi naman ako excited sa papalapit noong konsiyerto nila. Hindi ko
naisip na manood. Pero nasa panaginip ko sila – maliban na lamang kay Marcus
Adoro, ewan ko kung bakit – na ibig sabihi’y nasa laylayan ng kamalayan ko ang
Eraserheads.

Siyempre,napanood at nabasa ko ang hinggil sa mga nangyari sa konsiyerto. Nakita ko sa
telebisyon ang fans. Nakakuwentuhan ang mga kakilalang nanood. Parang reunion, sabi ng isa, hindi lang ng banda kundi ng isang henerasyon. May mga trabaho na, ang iba may pamilya na (dalawang kuwento mula sa konsiyerto: ang isang kakilala, si E, kasama ang asawa at mga kaedad na magpipinsan; ang isa pang kakilala, si J, pinambili ng tiket nilang mag-asawa ang perang dapat gagamitin sa bakuna ng anak). Kaya nang bumili ng relatibong mamahaling tiket.

Kung dati, nang mga estudyante pa lamang kami, nagkakasya na sa hiraman ng tapes at pagpuslit papasok sa UP Fair, ngayon, kahit papaano, napagbibigyan na ang hilig. Better late than never. Reunionnga, at wala ako doon. Sayang.

Binalikan ko sa mp3 ang musika ng Eraserheads. Mula sa ultraelectromagneti cpop! hanggang sa Carbon Stereoxide. Nasa Circus pa lamang ako –pasakay ng MRT tatlong araw na ang nakararaan – nang bumulaga sa akin ang realisasyon: Oo nga pala, fan nga pala ako nila. Kinalimutan ko na. Naalala ko ang isang kaibigan noong 1995, galit na galit siya sa Eraserheads, nakokornihan, at naiinis sa mga freshmen na ang unang tanong sa
kanya’y kung saan makikita ang pinakasikat na banda ng UP. Para mapanatili ang pagkakaibigan, hindi na namin pinag-uusapan ang Eraserheads. Mas
gusto raw niya ang Yano. Noong nagtagal, nahumaling kay Cynthia Alexander.
Pero fan nga pala ako. Parang kinimkim na emosyong bumulwak mula sa akin
ang realisasyong ito pagdating ko sa kantang Minsan. Nasa masikip na
tren ng MRT ako. Naluha ako. At hindi lang dahil tulad ng persona sa kanta,
minsan akong tumira sa Kalayaan Residence Hall. Naluha ako dahil naalala ko ang
panahong ito, ang pagkabata, ang pagkamulat. Taong 1994-95, sariwang sariwa,
mula sa probinsiya. Wide-eyed freshie na tuwang tuwa na nakatuntong ng
UP. Mababaw ang kaligayahan. Sangkatutak ang insecurities. Tinatagyawat.
Kahit noon, nagtataka na ako sa kantang ito: para naman yatang ambilis tumanda
ng mga ito. Nagno-nostalgia trip, para namang dekada na mula nang
umalis sila ng pamantasan.

Pero kinausap ako ng kantang ito. At ng iba pa nilang kanta. Wishing Wells,
Alapaap, kahit Huling El Bimbo – panay pagbabalik sa nakaraan ng
persona. Pinaalala ng mga ito kung paano ako mag-isip noong panahong iyon, kung
paano ko dinamdam ang mga kaganapan sa buhay. Naluha ako dahil naramdaman ko
ang paglipas ng panahon. Naramdaman kong tumanda na ako, at nagbago na ang
pananaw ko sa mundo. Naging seryoso ang mga pinagkakaabalahan: pulitika,
pagsusulat, sining, aktibismo. Nakalulungkot na kinailangang kalimutan ko ang
payak at simplistikong mundo ng pagkabata para maging pulitikal na tao. Naluha
ako sa paglipas ng panahon, sa henerasyon ko at sa trivial, maliit, makitid na mundo nito.

Tinitingnan ko ang mga footage sa TV ng konsiyerto at naisip ko: pareho pa rin ang
hitsura nila, parang hindi tumanda. Si Ely lang, pumayat. Siguro dahil sa sakit
niya noong nakaraang taon. O dahil siya ang pinakaunang tumanda sa grupo. Sa
pagsulat niya ng mga kantang tulad ng Minsan, Huling El Bimbo, Para sa
Masa, parang siya ang pinakaunang nakaramdam ng paglipas ng panahon, ng
pagbabalik-tanaw sa nakaraan at pag-aakalang mas maganda ang anumang nakaraan
kaysa sa kasalukuyan. Masaya ang buhay-banda – epitomiya na siguro ito ng
pagkabata. Naalala ko ang isang linya sa pelikula ni Cameron Crowe: sabi ng
isang karakter, “Hindi ba pumasok tayo sa banda para iwasan ang
responsibilidad?” Nasa banda raw ang karakter para pansamantalang ihinto ang
orasan, at manatiling bata – juvenile, nakatira sa mundo ng “Rock n’
roll Neverland.“

Pero si Ely – siya na siguro ang unang kumawala sa Neverland. Siya ang unang kumalas
sa banda, habang ang naiwang tatlo sinubukan pang palitan siya ng babaing
bokalista pero di nagtagumpay. Nagpalagay ng brace sa ngipin, nagpagupit, nagbihis-burgis (nakita ko sa YouTube ang bidyo na ito na panauhin si Ely sa talk show ni Martin Nievera matapos tumiwalag sa ’Heads). Di nagtagal, nagtatag ng bagong banda (Mongols, saka Pupil), pero di na bumalik sa moda ng ’Heads – tila mas seryoso na ang pagiging musikerong artist, hindi na pinangarap na maging popular o populista (Ikumpara, halimbawa, kay Raimund, na kinakantahan pa ang Betamax hanggang ngayon). Wala nang hihigit
pang patunay ng napakaagang pagtanda ni Ely sa tila napaagang pagkakasakit niya
sa isang karamdamang madalas na naiuugnay natin sa katandaan – sakit sa puso.
Usap-usapang mauulit daw ang reunion concert. Pero tingin ko, hindi
na dapat. Sapat na ang isang gabing nostalgia trip – hindi lamang sa
musika ng isang henerasyon, kundi sa lumipas na sensibilidad at angas ng
henerasyong ito. Tumitindi na ang krisis. Sobrang mahal na ng mga bilihin sa
tindahan ni Aling Nena, laluna sa CASAA. Nagmahal na pati ang isaw sa tapat ng
Ilang-Ilang. Nag-abroad na si Shirley (sana hindi siya mapabilang sa mga OFW na
bumabalik sa bansa sa kahon). Nagbenta ng katawan sa magasin ang dating crush ni Ely. Hindi lang bugbog — pinapatay pa — ang inaabot ng mga bading na
tulad ni Jay. Nasagasaan sa madilim na eskinita yung kamukha ni Paraluman.

Aktibista noon sa UP yung kaibigan kong galit na galit sa Eraserheads. Inisip ko noon,
galit siya baka dahil wala siyang maaninag na pulitika sa musika ng banda.
Maliban siguro sa pag-anyaya ni Raimund sa kalalakihang estudyante na
tumiwalag, sumapi sa NPA at “palayain ang sarili,” at isang pagkakataong
tumugtog sila sa isang rali kontra komersiyalisasyon sa UP noong 1996,
iwas-pulitika at iwas-aktibismo ang Eraserheads. Sa isang pamantasang
pinaniniwalaang may mayamang tradisyon ng aktibismo, hindi nila naiwasang
makasalamuha at makaibigan ang mga aktibista (Dalawang ehemplo: si Bomen
Guillermo ang pinakaunang kritikong nagpasikat sa banda, nang magsulat si Bomen
ng rebyu ng demo tape nila para sa Philippine Collegian; at,
noong 1998, naka-housemates ni Buddy sa Teachers’ Village ang ilang
lider-estudyanteng aktibista. At, isa pa pala: Nag-opening act sa launch
concert ng Cutterpillow ang bandang The Jerks, na sa kabila ng
mga “boo” ay nag-alay ng kanta noong gabi para sa Pandaigdigang Araw
ng Karapatang Pantao). Pero liban doon, banda lang talaga ang Eraserheads.
Bandang masaya, magaling, henyo pa nga. Pero banda lang talaga.

Ganyan din ang sinabi ni John Lennon nang tanungin siya kung ano ang tingin niya sa
penomenon ng Beatles ilang taon matapos magkanya-kanya sila: “We were just
a band…” Aktibista na noon si John. Nagmartsa siya kasama ang mga
Amerikano para labanan ang giyera sa Vietnam. Nagpahayag siya ng
pagpabor sa sosyalismo. Naging anthem ng kilusang kontra-giyera ang
mga kanta niya. Tulad ni Ely sa ‘Heads, tila si Lennon din ang pinakaunang
tumanda sa – at unang na-outgrow ang – Beatles. Pero siya ang
pinakabatang namatay. Sabi ng isang interpretasyon sa pagkahumaling ng assassin niya sa librong Catcher in the Rye, pinatay daw ng assassin si
Lennon para manatiling inosente’t bata, parang yung karakter na kapatid ni
Holden Caulfield na “catcher in the rye.”Buhay pa naman si Ely, pero tumatanda na silang apat. At ang musika nila, nagiging instrumento ng gunita, ng pagbabalik-tanaw sa isang henerasyon, isang sensibilidad na naglaho na. Pero may panahon pa, para sa mga pahayag na “banda lang kami noon”, para sa mga martsa, mga pagpabor at pagtutol, pag-awit ng mga anthem, at pamumuhay sa mundo at realidad natin ngayon.

Wednesday, September 3, 2008

Help for Marfred Waddell




Marfred is 34 years old. He is a stage actor, mover and choreographer. Since being exposed to the maximization of the arts to reach out to people for collective cultural actions, Marfred has been a fulltime volunteer organizer and facilitator for SINAGBAYAN advocacy and campaigns. He served as Founding Chairperson from 2004-2006 and the Committee Head for Campaigns from 2006-present.

After the Free Summer Arts Workshop and the dance-drama performance for the commemoration of International Labor Day in May, he was twice confined at PGH, being diagnosed with TB of the Lymphnodes and Immunocompromised State.

Urgently, we need Php30,000.00 for his current hospitalization. Aside from this his monthly maintenance amounts to Php10,000.

Because of the nature of his illness, his needed medicine changes per week or month. For the moment, you may donate: Gatorade Energy Drink, Centrum Multivitamins, Vitamin B1 Complex, Isoniazid 300MG, Rimactane 300MG, Pyrazinamide 500MG, Ethambutol Hydrochloride 400MG and Cotrimoxazole 800/160MG.

You can donate through his sister’s Banco De Oro account (SM Sta. Mesa branch) – Maria Penelope Cecilio (300775407).

We would appreciate whatever amount and material you may share and help Marfred gain strength and continuously serve the marginalized sector through the arts.

Wednesday, June 11, 2008

PEOPLE LIKE US: An Open Letter of a Transgender Woman in the Philippines

(stumbled upon this.. SALUDO!)

No one can make you feel inferior without your consent.
Eleanor Roosevelt

My friends and I have been made to feel inferior approximately five
hours before I wrote this letter. I'd like to sweep this incident
under the proverbial rug but there is no more space to accommodate it.

On
the 24th of May 2008, my friends and I were celebrating the
anniversary of our organization the Society of Transsexual Women of
the Philippines (STRAP), the first transsexual women's support group
and transgender rights advocacy organization in the
Philippines. We
settled to celebrate it in Ice Vodka Bar, located in
Greenbelt 3, 3rd
level
Ayala Center, Makati City, Metro Manila. It was my first time in
that bar. Two in our group have been there before and they had nothing
bad to say about it.

There were five of us. I was leading the way. The bouncer stopped us.
I asked why. His reason was we were dressed "inappropriately" . We were
rather dressed decently, tastefully, and most importantly just like
any other human being who lives her life as female 24 hours a day.

I asked for the manager. The bouncer was nice enough to let me in. The
manager, Ms Belle Castro, accommodated me. I don't know if I spelled
her name right. I asked for a business card but she had none
available. Her telling feature though was her braced teeth.

I complained. Ms Castro listened to me. I found her sympathetic, even
respectful as she addressed me all throughout as ma'am. She told me
the following:

1. (Referring to my friends, and obviously to me) That "people like
them" aren't allowed in our bar every Fridays & Saturdays;

2. That that was an agreement between all the bars in
Greenbelt
(she particularly mentioned their bar, Absinthe, and Café Havana) and
Ayala Corporation, the company which owns the Greenbelt Complex;

3. That the reason for this policy is: "Marami kasing foreigner na
nag-kocomplain at napepeke daw sila sa mga katulad nila." Loosely
translated in English: "There are lots of foreigners complaining
because they mistake people like them as real women"; and

4. That they have a "choice" to implement the policy.

I felt terribly hurt and uncontrollably agitated. This transphobic act
is not the first time that it happened to me, to my friends, to people
like us. To say that this has become almost a routine is an
understatement.

I have shouted at Ms Castro several times, asking her why I'm f***ing
experiencing racism in my own country and what gave f***ing foreigners
the right to demand to block people like us to enter bars in our very
own country.

Ms Castro tried to hush me by pulling the "It's our choice card" and
asked me to talk decently. I am not proud at all of using the F-word
as my intensifier and of letting my emotions ran raw and wild. My warm
apologies to Ms Castro for losing my cool. Just like any of us, I
know, she was just doing her job.

This may not be the proper forum to raise this concern. But is there
any reliable legal forum to address this issue? Reality check: there
is no antidiscrimination law in this country. And if you're
discriminated, there seems to be a notion that you're supposed to
blame yourself for bringing such an unfortunate event to yourself.

So, I'd just stand up through this open letter.

I am standing for myself. I am standing for people like us. I am
standing up because I, am, very, tired of this incivility. We have
long endured this kind of treatment for far too long. Enough.

I'll not go as far as campaigning for a boycott as it is definitely
the simple workers that would suffer from any loss in revenue such an
act may cause.
People like us would like to be treated just like any other human
being. Just like those foreigners who complained about our existence:
With dignity.

You know the civilized and ethical thing to do: Stop discrimination in
your establishments.

Bigotry is never ethical nor a sound business strategy.


Warmly

Ms Sass Rogando Sasot
25 May 2008
Sunday
6.04 am - 6.45 am

http://www.tsphilip pines.com/

Monday, April 14, 2008

Para sa mga Babae ng Lumang Bahay sa Callejon 2


si aning.. matagal ko nang gustong gawan ng short film.. parang salitan lang ng mga kwentuhan at isyu ng mga tao sa araw araw. Maganda kasi ang mga pwedeng eksena at nakapabilog ang mga kwarto at harap sa isa't isa. Maganda kunan ang pagbukas ng mga kwarto, pagsasalamuha ng mga tao at ang ang araw araw ding pagsara ng mga pintuan bilang pagtatapos ng mga araw. Ang mga pakete ng kanilang yosi (ubo..ubo..ubo!), ang kalat na araw araw ay kaagaw ng natural na nyang ganda. At ang ilaw.. sabi nga "light enhances art".. at sa pagdating ng dapithapon, dun mo sya higit na makikilala.



Mali pala ang ating akala
na ang dingding
na gabi-gabing nakikinig sa atin
ang iipon sa ating mga kwento
Kilala rin tayo ng mga papel at lapis
na paulit ulit nating binabalikan
kapag hindi na natin maintindihan ang ating sarili
Kelangan isulat
Kelangan itala
Kelangan masala ang mga naiisip
Kung tama man o mali
Kung dapat ba o hindi

Mas kilala natin ang ating sarili
sa mga katagang iniaalay sa papel
Mas nauunawaan kung bakit lagi't lagi
kelangang magsalubong ng kilay
para bang magtatagaan
Na agad namang naaawat ng malulutong na halakhak
sa maliliit at simpleng bagay
At kung bakit sa paulit ulit na pagkakatao
Tayo ay umiibig
Makulit! Mapanlinlang subalit masidhi!
Halos hindi makahinga
Sa mga emosyong sa utak nabubuo at sa puso'y bumabara

Higit na nabibigyan natin ng kataga ang mga patlang
Sa harap ng grande at isang pakete ng yosi
Isang stick sa bawat kabanata ng buhay
Habang sumasayaw sa lamig ng gabi ang mga kanta
At umiiyak na nagsasalaysay ang kamay sa gitara

Mas nakikilala natin ang ating sarili sa isang araw na nakatulala
Sa mga anino ng dahon sa puno ng mangga
Hinihipan ng saliw ng hangin sa dapithapon
Tila bumubulong ang hanging alipin na ng mga pangarap ng panahon
At ang wika...
Mat katuparan ang mga pangarap

Ang dingding at mga papel ang makapagsasabi
Saksi sila sa pagpanday at paghubog sa atin
ng mga halakhak at luha
Hanggang sa tayo'y umabot sa huling yugto
At tahakin na ang landas na magkakahiwalay
Magpapasalamat tayo sa mga taon
Sa mga kaibigang balon ng mga alaala
Ito ang maghahatid sa atin sa panahon
Kung saan tayo pinakamaganda.

Nov2404




Monday, March 31, 2008

ang kapitbahay ko at ang maraming isyung sinagot nya sa utak ko

Bata pa ako hindi ko na maipaliwanag kung bakit gandang ganda ako sa kapitbahay kong ito. Sa araw araw na nakikita ko sya siguro dapat nagsawa na ako sa kanya. Pero umalis na ako sa lugar namin at lahat, kapag pauwi ako ay sya parin ang hahanap hanapin ko sa pagtuntong pa lang ng bus sa unang pagkakataogng makikita ko sya.

Sya ang unang subject ko noong una akong gumawa ng essay. Naalala ko VERY GOOD ang sabi ng review teacher namin (kasama kasi ako doon sa mga bata na pinag re-review every weekend dahil sinasamantala ng mga magulang na nakikitaan pa nila ng libog ang anak nila sa pag-aaral. Kami yung mga batang kahit summer nag-aaral.. walang pahinga sa kakasagot ng mga bwakanang&%^(&*(^*%^ na abstract reasoning exam. Pero nagulat pa rin sila nung nakapasa ako ng UP. Ayus! ). Hanggang ngayon ay nakatago ang unang essay ko na yun.. kasama ng maraming hindi mapalayang clutter sa buhay. Nasa ilalim ng kama sa probinsya, nakasilid sa isang malaking pulang maleta. Simple ko lang syang pinakilala. Noon..

Nakita ko uli sya, mga 3 linggo pa lang ang nakakaraan. Tumanda na rin. Pero wala paring tatalo (sa alaska..este..) sa ganda nya.




Kapitbahay ko lang si Mayon. Nakita ko na sya kanyang magaganda at kahit sa kanyang pinakamasungit na mga araw, pero hinding hindi ako nagsawang hangaan sya. Maraming binubuhay si Mayon sa aming probinsya. Pero sa paglipas ng panahon, siguro dahil menopausal na rin sya, malimit na rin syang masungit. Pinakamsungit sya noong nakaraang taon, nang halos lahat na ng inipon nyang sama ng loob ay ibinuhos nya na naging dahil ng pagbaha ng malalaking bato at buhangin nung dumating ang bagyo.

Nung tinititigan ko sya pag uwi ko noong holy week naisip ko.. si Mayon, dahil active sya, naidadaos nya ang galit nya.. parang ang Pinas ngayon, kahit matinding matindi na ang krisis, may social volcano sya na singawan ng galit at paghihihrap nya.. ofws. Kapag hirap na, wala nang makitang matinong trabaho, o kahit may trabaho ka pero dahil hindi na sasapat ang sahod, lalabas ka na lang ng bansa.

Naalala ko lahat nang to dahil sa speech ni Gloria kahapon sa Hongkong. Ang hitad nagbubunganga doon na maganda ang ekonomiya sa ngayon at may programa daw ang gobyerno para hindi maapektuhan ng "paglakas" ng piso ang kinikitang dolyang ng mga OFW.

Eh akala ko ba dapat masaya tayo na malakas ang piso?!!

Ang bwakanang@#$#$%^%^&%&E%^! Pinaglololoko tayo ng babaitang ito!

Dadating daw ang araw na ang paglabas ng bansa ay "just another career option". Hindi mangyayari ito.. Hindi nya hahayaang mangyari ito..dahil alam nya na kapag nangyari ito..



Ang saya...





Tuesday, March 11, 2008

pano nga ba?



(si nonoy ay isang kaibigang artista, manunula at higt sa lahat ay halimaw sa gitara.. may notebook ako ng mga tula na walang walang nakakabasa.. minsan nang magsususlat uli ako, napansin kong may ibang sula kamay. nabasa nya at wag ka.. eto ang review nya..)

Paano mo ba sinusulat ang mga tula
Na walang mga pangalan?
Paano mo tinitignan ang mga bagay-bagay
Kung negatibo o positibo ang kinalabasan?
Paumanhin at pasintabi
Ang iyong mga tula ay punong puno ng damdamin
Pero kulang ang mga salita
Kulang ang mga kataga’t talinhaga
Para isalarawan kung ano ba talaga ang nararamdaman

Pero matiyaga ka paring nagsusulat
Pilit na hinahanap ang mga salitang
Nababagay para sa inyong dalawa

Huwag sanang damdamin
Ang mga salitang nais kong sabihin

Kung gusto mong makita
Ang mga salitang bagay sa inyong dalawa
Huwag kang tumingala
O kaya’y tumitig sa lupa
Bigyan ng mga pangalan ang iyong mga salita


(ito naman ang sagot ko.. naging rengga na tuloy, asan na kaya si gagu?)

Hindi kailanman nasubukan
Na bigyang pangalan ang mga salita
O katagang nararamdaman
Gumuguhit lang ito sa aking pagkatao
Malimit hindi maintindihan
Malimit, kibitbalikat na tinitingnan
Edit
Edit
Hanggat wala nang pangalan
Hindi ata kasi mahalagang
Matukoy sa isang sambitan
Kung ano ang babagay na pangalan
Sa katagang nararamdaman
Malimit
Sa gitna ng kibit balikat at pagtitig
Nakikilala mo ang mga kataga
Hindi kailangang pangalanan
Sapagkat lagi rin naman itong
lumilisan